Mga Kanta Ni Goryo by Gary Granada
From the album Saranggola sa Ulan
The song played with the tune of several Philippine Cultural Dances like Sarung Banggi, Atin Ku Pung Singsing , Paruparong Bukid, Itik-Itik, etc. I've heard the song when it was played after the portion of Antony Taberna's Punto por Punto on ABS-CBN Umagang Kay Ganda morning program. Here's the lyrics:
Pagbigyan nyo na akoSONA State of the Nation Address
Sa munting hilig kong ito
Huntahan at mga kwentong barbero
Pag pumanaw na ako
Tanging hiling ko sa inyo
Sa langit ay pabaunan nyo ako
Ng isang ginebra-
Barumbarong namin ay gegewang-gewang
Bagoong at daing lagi naming ulam
Paglubog ng araw, punta sa tambayan
Nang hirap ng buhay aming malimutan
May pantagay kami, yehey!
Sipol ang pulutan, whew!
Kahit anong isyu pinagtatalunan
Pag wengweng na kami We-we-u na kami
Ipon ng lakas para sa inuman bukas-
Bangkang papel nagmirakel
Sa Payatas galing, Malakanyang ang narating
Sino kaya ang pumapel
Upang bangka sa palasyo’y makarating
Kahit bumabagyo, kahit bumabaha, di nabasa
Kaya di nabura, sulat na galing sa tatlong bata
Hindi nabahura kahit naglakbay ng milya-milya
Naghimala, nabasa ni Ate Gloria
Tatlong bangkang papel tunay ngang himala
Milagrong kailangan nitong ating bansa
Kaya mula ngayon tayo ay maghanda
Perang walang silbi, tiklupin, at gawing bangka-
Itext-itext mo na lang ako
Kung may credit pa ang celfon mo
Ngunit baka magbigla kayo
Ang balance nyo ay biglang zero
Uto-uto din naman tayo
Nagpapaloko pag may promo
Smart o Globe, kung Sun mo gusto
Nakasampung lipat na ako
Kahit ang text mo’y di dumating
Bawat pindot mo sisingilin
Tuloy-tuloy na kakaltasin
Kahit na nga di mo pindutin
Ipindut mo, ipindut mo, ipindut mo, ipindut mo
Ipindut mo, ipindut mo, ipindut mo, ipindut mo-
Ito raw pong si Ping ay may washing machine
Salaping marumi kayang paputiin
Santambak mang dolyar ang kanyang labahin
Babango’t lilinis dito kay Mr. Clean
Ito raw pong Abu bigtime na bandido
Di masilu-silo ng mga sundalo
Paano mahuhuli kung ang hinuhuli
At ang nanghuhuli pala’y magkakampi-
SONA ni Gloria bongga at madrama
Ngunit may bakas pa ng mga dating SONA
Parang kamukha ng SONA ni Cory
At SONA ni Ramos at SONA ni Estrada
Ang ganda-ganda Ng SONA ni Gloria
Ng SONA ni Cory at ni Ramos at Estrada
Di naman kaya ang SONA ni Gloria
Ay kanyang kinopya sa SONA ng tatay niya-
Paulit-ulit ang kwento
Papalit-palit ng tao
Pare-parehong gobyerno
Mamamaya’y ginagantso
Manggagawa’t magbubukid
Kinakapos, nagigipit
Kinikita nila ay kay liit-liit
Samantalang si gobernor
Si congressman at senador
Yumayaman by serving the poor
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy ang totoo
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Matagal ka na nilang niloloko
0 Comment(s):
Post a Comment